Tuwing mapaguusapan ang aking kabataan, ang kwento ni Pito di pwedeng di daanan.
Si Pito na kapitbahay ko.
Si Pito na kalaro sa piko at patintero.
At syempre, si Pito, ang kalbo.
Usap usapan ang malaking bukol sa kanyang ulo
na ng buksan ng doktor ay kay raming kuto.
Kaya naman buhok ni Pito na puno ng kuto, kanilang kinalbo.
Pero totoo nga ba si Pito o katha lang ng murang isip ko?
Mula kasi ng ako'y naging walo, sa loob ng bahay na ako lagi nakatago.
Sosyal na yata kasi kami nun, habang si Pito, ayun naka barong barong.
Totoo nga ba si Pito? ang lagi ko pa ring tanong.
Hanggang isang araw may litrato akong napulot
at ayun si Pito, kinalbo nga pero buhok, unti unti nang tumutubo.
Si Pito noong 1992
Totoo ka nga, walang biro, napangiti mo ako.
Para sayo to Pito, nasaan ka man, kababata kong kalbo. Xx
|
No comments:
Post a Comment